-- Advertisements --
Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Domeng alas-11:30 ng umaga ngayong Hunyo 1, 2026.
Ayon sa ulat, ang sentro ng mata ng bagyo ay tinatayang nasa 710 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito pa-norte sa bilis na 20 km/h, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 120 km/h malapit sa sentro at pagbugso hanggang 150 km/h.
Bagama’t wala na sa loob ng PAR, pinapayuhan pa rin ang publiko na manatiling alerto sa mga posibleng pag-ulan at masamang lagay ng panahon na maaaring idulot ng habagat sa ilang bahagi ng bansa.
Wala pa namang bagong bagyo o kahit low pressure area (LPA) na nagbabantang lumapit sa ating bansa.
















