-- Advertisements --

Plano ng gobyerno ng Venice sa Italy na maningil ng 5 euros o katumbas ng $5.35 sa bawat turista na bibisita sa kanilang lugar.

Ang nasabing hakbang ay para makontrol ang pagdagsa ng bilang ng turista na nagtutungo sa sikat na Venice canals.

Magiging trials lamang ito ng hanggang 30-araw sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Venice tourism councilor Simone Venturini na layon ng nasaibng paniningil para maibalanse ang mga karapatan ng mga naninirahan, nag-aaral at nagtatrabaho sa Venice at mahiwalay sa mga turista lamang.