CAUAYAN CITY- Sisimulan na ngayong linggo ang data analysis ng mga sumailalim sa clinical trial ng virgin coconut oil o VCO.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa DOST na tapos na sa clinical trials ang 56 na volunteers at walang nakitang negatibong epekto nito.
Aniya, mga pasyente ng mayroong COVID-19 symptoms o probable ang sumailalim sa clinical trials at umaasang magiging mabisa upang gumaling ang mga ito.
Sa pagsasagawa ng VCO clinical trials, ay isang grupo ng mga pasyente ang binigyan ng pagkain na mayroong Virgin Coconut Oil habang ang isang grupo naman ay binigyan lang ng normal na pagkain at walang VCO.
Ang clinical trials ay nagtatagal ng 28 araw at mayroon ding quarantine period na 14 na araw.
Matatandaan na ang Clinical trials para sa VCO bilang food supplement ay inilunsad ng DOST-Food and Nutrition Research Institute kasama ang DOST Calabarzon, Philippine Coconut Authority at ang local na pamahalaan ng Sta Rosa, Laguna.
Inaasahan namang magkakaroon na ng resulta ng naturang trial sa buwan ng Nobyembre.