Inaprubahan na ni Pope Francis ang petisyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magkaroon ng Permanent Diaconate sa bansa.
Kinumpirma ito ni Archbishop Edgar Peña Parra ang substitute for the Secretariat of State ng Vatican.
Ang mga mga diakono ay isa sa tatlong sagradong holy orders ng Simbahang Katolika kasama ang episcopate o mga obispo at ang presbyterate o mga pari.
Mayroon namang dalawang uri ng diakono ito ay ang transitional at permanent.
Ang tranisitional ay yung mga nais na magpari habang ang permanent deacons ay ang mga nananatiling nagseserbisyo lamang sa simbahan na maaring sila ay kasal na o walang asawa pa.
Sinabi ni CBCP President and Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang mga permanent deacons ay maari nilang italaga sa ibang lugar na mamuno sa mga mission centers o station bilang chaplains.
Ang mga deacons ay ang mga umaalalay sa mga pari tuwing may misa na sila ang nagbabasa ng mga gospel.