-- Advertisements --

Ganap nang naging ganap na batas ang kontrobersiyal na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill.

Ito’y kahit hindi nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bill.

Nagpaso na rin kasi ang kapangyarihan ng presidente na i-veto ito, matapos lumagpas sa isang buwan na hindi naaksyunan ang enrolled bill na ipinadala sa Malacanang.

Ang naturang panukala ay naratipikahan ng Senado at Karama noong Enero 26, 2022.

Layunin ng batas na ma-regulate ang importasyon, manufacturing, pagbibenta, packaging, ditribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotin products.

Sa ilalim nito, binibigyang kapangyarihan ang Department of Trade and Industry (DTI), na magtakda ng technical standards para sa vape products.

Tanging 18-anyos pataas lamang ang papayagan na gumamit o bumili ng produkto.