-- Advertisements --
sinas1
NCRPO chief BGen. Debold Sinas

Mahigpit na ipagbawal ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng vape o electronic cigarette sa lahat ng mga sports venues sa SEAGAMES.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief BGen. Debold Sinas hindi naman nila kukumpiskahin ang bitbit na vape ng mga nais manuod ng palaro pero hindi ito makakapasok sa venue.

Huhulihin lamang ng mga pulis ang vape users kung itoy ginagamit sa pampublikong lugar lalo na sa mga gaming venue.

Nilinaw naman ni Sinas na hindi naman iligal ang pagkakaroon ng isang vape.

Aniya, ang mga naka deploy na plain clothes policemen ang tutulong din sa pagbabantay lalo na kung may gagamit ng electronic cigarette.

Binigyang-diin din ni Sinas na hindi lamang sa mga Pinoy ipinagbabawal ang vapes kundi sa mga banyaga participants man o bisita.

Sa ngayon wala pa rin designated smoking areas sa SEAGAMES venue.

Naglabas na rin ng mga polisiya ang National Security Task Force SEA GAMES 2019 kaugnay sa ipinagbabawal na gamit na dalhin sa loob ng sporting venue.

Apela ng PNP sa mga manunuod na sumunod sa polisiya na inilabas ng security task force.

” Knives sigarilyo tubig so maraming bawal yun, tapos yung clear bag policy naming bawal din laser,
sharp objects, bottles, softdribks in can tetra packs, pyrotechnics, cigarettes, matches, alcohol, beverages, narcotics, xenophobic banners or signs,animals, pets, aerosols, perfumes, ladders, chairs, lunchboxes, bawal maraming papel, balloon, bawal sports equipment kung di ka naman authorized kahit freesbie bawal din bola, drones, pagkain and drinks galing sa labas other hard items na idedeclare ng organizing committee,” pahayag ni BGen. Sinas.