Nagbigay nang pagkilala ang clothing brand na VANS ang pumanaw na singer na si David Bowie.

Inilabas ng nasabing kompaniya ang mga collection ng sapatos at t-shirts na may mukha at pangalan ni Bowie.

Ayon sa kompaniya, isang “immortal artist” si Bowie na mananatiling buhay ang kaniyang musika.

Ang ilang disenyo ng sapatos ay hango sa ilang pinasikat na kanta ni Bowie.

David Bowie

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na kinilala ng Vans ang ilang mga sikat na musiciains dahil noong Pebrero ay inilabas nila ang kanilang Led Zeppelin collection kasabay ng kanilang 50th anibersaryo.

Magugunitang pumanaw ang singer noong 2016 at ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “Starman”, “Space Oddity” at maraming iba pa.