-- Advertisements --

Hindi na dapat patagalin pa ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pagbabayad sa patung-patong na reimbursement claim ng mga ospital dahil patuloy ang kanilang pakikipaglaban para maprotektahan at mailigtas ang buhay ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Ginawa ni Poe ang panawagan kasunod ng paulit-ulit na apela ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) sa state health insurer na madaliin ang paglabas ng kanilang mga balidong reimbursement claim.

Nauna nang sinabi ni PHAPI president Jose de Grano na umaabot na sa P26 bilyon hanggang P28 bilyon nitong Disyembre 2020 ang kanilang reimbursement application sa PhilHealth.

Ang naturang halaga ay mula sa 114 hospital-member na nagsumite ng kanilang claim, hiwalay pa dito ang mga private health institution sa labas ng Metro Manila.

“This situation weighs heavily on our medical frontliners, patients, and the most vulnerable among our people,” sabi ni Poe. “‘Wag na natin silang pahirapan pa, antagal na nilang nagsasakripisyo at nagtitiis.”

“Our hospitals are already bleeding while our medical frontliners put their lives on the line amid the systemic ills that affect our overall capacity to get back on our feet,” diin pa niya.

Sabi ni Poe, kahit ang mga government COVID-19 frontline institution ay nahihirapan ding kumuha ng kanilang reimbursement claim sa PhilHealth dahil sa document technicalities.

Pinaalalahan pa ng sendora ang pamunuan ng PhilHealth na sa ilalim ng Administrative Order No. 23 na inilabas ng Office of the President noong Peb. 21, 2020, lahat ng national government agency ay inaatasang bilisan ang pagreporma ng kanilang proseso nang sa gayon ay mawala na ang ‘overregulation’.

They shall retain only such steps, procedures and requirements as may be necessary to fulfill their legal mandates and policy objectives. All processes in excess, including those which are redundant or burdensome to the public shall be deemed manifestation of overregulation and shall be removed accordingly, ayon pa sa naturang administrative order.

Binigyang-diin pa ni Poe na kahit ang Presidente ay inatasan na rin ang PhilHealth na ibigay na ang reimbursement claim ng mga ospital at iba pang health institution sa bansa.

“Buhay ang patuloy na ibinubuwis ng ating mga kababayan sa bawat araw ng pandemya. Walang lugar ang patuloy na panggigipit at pagpapabaya,” diin ni Poe.

“We must assist our frontline healthcare institutions in the same efficacious way that our people expect them to diligently attend to their patients,” dagdag pa niya.

Una rito, mahigit 22 probinsiya na ang naiulat na mayroong high intensive care unit bed utilization rate at siyam na lalawigan naman ang may high isolation bed utilization rate.