-- Advertisements --

Lumubo na sa P14.8 trillion ang kabuuang utang ng bansa.

Ayon sa Bureau of Treasury na isa sa dahilan nito ay ang pagpapalabas ng domestic securities at paghina ng peso kontra dolyar.

Ang nasabing halaga ay walong porsyentong mas mataas sa P13.7 trillion na utang noong sa parehas na buwan noong 2023.

Sa buwan pa lamang ng Enero ay nagdagdag na ang gobyerno ng P173.91 bilyon na utang na dahil sa net issuance ng domestic securities at ang epekto ng paghina ng peso.

Sa nasabing buwan din ay lumaki ang Treasury bill offering ng P81 bilyon habang ang T-bond program na nasa P120 bilyon ay buong itinaas.