-- Advertisements --

Tinambakan ng USA Basketball team ang Italy 100-63 para tuluyang makausad sa semifinals ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Pinangunahan ni Mikal Bridges ang USA team na nagtala siya ng 24 points, pitong rebounds at dalawang steals.

Sa simula pa lamang ng laro ay dominado ng USA basketball team ang laro.

Susunod na makakaharap ng USA ay ang sinumang manalo sa pagitan ng Germany kontra Latvia na gaganapin sa araw ng Miyerkules sa Mall of Asia Arena.