Nagpasya ngayon ang USA Rugby na maghain ng Chapter 11 bankruptcy dahil pinalala raw ng coronavirus pandemic ang nararanasan nilang problemang pinansyal.

Ayon sa organisasyon, nakararanas na umano sila ng “insurmountable financial constraints” sa gitna ng coronavirus crisis.

“The current suspension of sanctioned rugby activities caused by the ongoing COVID-19 pandemic has accelerated the existing financial challenges facing the union, and a reorganisation process will now be progressed with input from World Rugby,” pahayag ng USA Rugby.

Paliwanag pa ng national union, ikinonsidera nila ang Chapter 11 filing, na nagbibigay pahintulot sa organisasyon na makapagpatuloy sa kanilang operasyon ngunit sa limitadong kapasidad.

“It is the best platform to swiftly and efficiently address challenges and deliver a foundation for future stability,” katwiran nito.

Sa ilalim ng Chapter 11 procedure, gagawin ng USA Rugby ang reorganisasyon sa loob ng 30-day period, at rerepasuhin naman ng World Rugby at iba pang mga creditors.

“This is the most challenging period this organisation has faced and all resolves were never taken lightly in coming to this determination,” wika ni USA Rugby chair Barbara O’Brien.

“While the current climate is of course much larger than rugby, we remain focused with stakeholders and supporters in the continued effort toward a balanced rugby community where the game can truly grow.”