-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni US Vice President JD Vance si President Donald Trump dahil sa pangbabatikos nito kay Pope Leo XIV.

Ayon sa US Vice President na mas nakakabuti na lamang kung pagtututunan na ng pansin ng Santo Papa ang kaniyang trabaho sa Vatican.

Hayaan na lamang at huwag na sana nitong pakialaman ang mga trabaho ni Trump sa pagpapatupad ng polisiya na nakakabuti sa mamamayan ng US.

Magugunitang binatikos ni Trump ang Santo Papa dahil sa pagkondin nito sa giyera nila sa Iran.

Inihayag naman ni Pope Leo na hindi ito natatakot sa anumang banta ni Trump.