-- Advertisements --
Nakikipag-ugnayan na raw ang Bureau of Immigration (BI) sa US Immigration authorities para mapauwi sa Pilipinas ang inaakusahang “drug queen” ng Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Department of Justice (DoJ) Usec. Markk Perete, kasunod ito ng pagkansela sa US Visa na ipinagkaloob kay Guia Gomez-Castro.
Ito ay dahil na rin sa request ng Depatment of Justice (DoJ) sa US embassy.
Una rito, sinabi ng BI na nakalabas na sa bansa ang kapitana.
Sinasabing isa o dalawang beses ito lumalabas sa bansa sa loob ng isang buwan.