Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang US na tapos na ang pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas kapalit ang mga Palestinong nakakulong sa Israel.
Sinabi ni US Department of State spokesperson Matthew Miller na posible pa rin nilang ipursige ang nasabing usapin.
Ang nasabing hakbang ay kahit na nagmamatigas ang Israel na magpapadala sila ng mga sundalo para lusubin ang Rafah na kinokontra ng maraming bansa dahil tiyak na madadamay ang ilang milyong residente doon.
Hiniling din ng Israel na ituloy ang naantalang pulong ng mga opisyal nila sa planong military offenses sa Rafah city.
Kinanselas kasi mismo ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagtungo ng mga delegasyon nito sa US matapos na ipasa ng United Nations Security Council ang ceasefire resolution sa Gaza.