-- Advertisements --
Kabilang ang ilang US citizens ang nakalabas na sa Gaza at nasa Egypt na.
Ayon kay US State Department spokesperson Matt Miller na inaayos na nila ang mga kaukulang dokumento para tuluyang maibalik ang mga ito sa US.
Ang nasabing paglabas ng mga US citizens sa Gaza ay matapos na buksan ang Rafah border crossing.
Napayagan lamang na mabuksan ito dahil sa ginawang pakikipag-usap ng Qatar sa Israel, Hamas at Egypt.
Inaasahan naman ng US na tuloy-tuloy ang pagdaa ng mga truck na may dalang mga tulong para sa mga sibilyang naiipit sa Gaza dahil sa kaguluhan ng Hamas at Israel.
Wala din aniya ginagawa ang US na assesement kung may nagawang war crimes ang Israel dahil sa pakikipaglaban sa mga Hamas militants.