-- Advertisements --

Tinapos na ni US President Joe Biden ang COVID-19 national health emergency.

Sa pamamagitan ng pagpirma nito ng batas na ipinasa ng kongreso ay pormal ng tinapos ang national emergency na may kaugnayan sa COVID-19 pandemic.

Ang nasabing pandemic ay nanalasa ng mahigit tatlong taon kung saan nagbigay ang gobyerno ng US ng tulong at ilang milyon ang nasawi matapos dapuan ng virus.

Pagtitiyak naman ng White House na kahit na tinapos na nila ang COVID-19 national health emergency ay sinusuportahan pa rin ni President Biden ang paggawa ng makabagong bakuna na kayang sugpuin ang anumang uri ng virus.