-- Advertisements --

Nananatiling hindi operational ang kabuuang 38 gasoline station sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng magkakasunod na kalamidad.

Ang ilan sa mga ito ay lubog sa tubig baha habang ang iba ay apektado sa mahaba-habang power outage. Ilan din sa mga ito ang natukoy na nasira habang ang iba ay wala pang sapat na manpower para tuluyang magbukas.

Siyam (9) sa mga ito ay mula sa National Capital Region, 8 sa Ilocos Region, 9 sa Central Luzon, sampu (10) sa Calabarzon, at dalawa sa Mimaropa Region.

Isang liquified petroleum gas (LPG) depot at refilling plant mula sa San Fernando, La Union ang napaulat ding nagsara dahil sa pagbaha ngunit kinalaunan ay tuluyan ding nagbukas.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nananatiling sapat ang supply ng mga produktong petrolyo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa kabila ng mga magkakasunod na kalamidad.