-- Advertisements --

Tatangalin na ng US ang paghahanap sa mga biyahero na nagtutungo sa kanilang bansa ng mga negative COVID-19 test results.

Ayon sa US Centers For Disease Control and Prevention (CDC) na matagal na hinihiling ng maraming mambabatas sa US ang nasabing pagtanggal ng restrictions.

Kanilang magsasagawa ng re-assesement pagkatapos ng 90 araw kung kailangan muling ipatupad ang nasabing restrictions.

Ipinatupad ang nasabing restrictions noong Enero 2021 kung saan maraming mga naiulat na kaso ng COVID-19.

Itinuturing kasi ng CDC na dahil sa malawakang pagpapabakuna ay nabawasan ang kaso ng COVID-19.

Umaasa naman ang mga opisyal ng US na dahil sa pagtanggal na ng travel restrictions ay magiging masigla na muli ang kanilang ekonomiya.