-- Advertisements --

Nakatakdang lumahok sa 202 Winter Olympics si American skiing superstar Lindsey Vonn.

Ito ay kahit na dumaranas siya ng “completely ruptured” ACL dahil sa aksidente.

Kinumpirma ng 41-anyos na si Vonn ang pagsali sa isinagawang press conference ng USA Skiing Team.

Natamo ni Vonn ang injury sa World Cup race sa Crans-Montana.

Matapos ang insidente ay dinala ang 2010 Olympic Gold medalist sa pagamutan.

Sasabak si Vonn sa women’s downhill event sa araw ng Linggo bago nito ay lalahok din siya sa super-G at combined team competition.