-- Advertisements --

Sinimulan na ng US ang legal appeal para tuluyan ng ma-extradite si Wikileaks founder Julian Assange.

Ayon sa ilang legal counsel ng US government napaniwala ang High Court sa psychiatrist ni Assange.

Sinabi kasi ng psychiatrist ni Assange na baka magpakamatay ito dahil sa problemang kinakaharap niya.

Pinaghahanap kasi si Assange matapos na ilathala nito ang mga classified documents mula 2010 hanggang 2011.

Ang mga dokumento ay naglalaman kung ilang sibilyan ang napatay ng mga sundalong nakatalaga sa Afghanistan.

-- Advertisement --