-- Advertisements --
Sinimulan na ng US ang pagtatayo ng malaking floating pier sa Gaza.
Ang nasabing pasilidad ay para may daanan ang mga magde-deliver ng mga humanitarian aide.
Ayon sa US Defense Department, na ang mga barko mula sa Cyprus ay magkakarga ng mga tulong sa trucks bago ito ilipat sa Gaza.
Magiging operational ang nasabing pier sa buwan ng Mayo.
Mahigit 1,000 mga sundalo ng US ang magtulong-tulong sa pagtayo ng nasabing floating harbour.
Ang nasabing plano ay unang inanunsiyo ni US President Joe Biden noong Marso bilang bahagi ng pagtulong ng US para labanan ang kagutuman sa Gaza.