-- Advertisements --
Matagumpay ang isinagawang testing ng US sa kanilang hypersonic missile.
Isinagawa aniya ang nasabing testing noong Marso subalit naging tahimik lamang sila dahil sa patuloy na nagaganap na tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ang Hypersonic Air-breathing Weapon Concept (HAWC) ay inilunsad mula sa B-52 bomber mula sa karagatan sa west coast.
Itinuturing na ito ang matagumpay na test ng Lockheed Martin version ng nasabing system.
Lumipad ito sa ng 65,000 talampakan at mahigit ng 300 miles.
Isinagawa aniya nila ang missile test matapos na ibunyag ng Russia na gumamit sila ng hypersonic missile noong lusubin ang Ukraine.