Inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na magiging available na sa susunod na linggo ang karagdagang 300,000 regular beep cards para sa mga pasahero ng MRT-3, LRT-1, at LRT-2. Matapos ang delivery ng naturang bilang ng beep cards, inaasahang mawawala na ang shortage na naranasan nitong mga nakaraang linggo.
Binalaan din ng kalihim ang mga sindikatong nagho-hoard at nagbebenta ng beep cards sa mas mataas na presyo, umaabot umano sa Php 300 kada piraso. Nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Philippine National Police (PNP) at DOTr – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) upang mahuli at ipakulong ang mga sangkot.
Dagdag pa ni Dizon, makikipag-koordinasyon din ang kagawaran sa mga online selling platforms para ipasara ang mga account o grupong ilegal na nagbebenta ng beep cards.