-- Advertisements --
Dinala sa pagamutan si US Senate Republican leader Mitch McConnell matapos na matapilok sa isang hotel sa Washington, DC.
Ayon sa tagapagsalita nito na naganap umano ang insidente habang ito ay nasa private dinner.
Hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye sa kalagayan ng 81-anyos na Republican Senator.
Nasa pang-pitong termino na magtatapos ng hanggang 2026.
Siya rin ang pangatlong US senator na na-ospital noong nakaraang linggo.
Una ay si Democrat senator John Fetterman na ginagamot sa depression habang si Senator Diane Freinstein na isa ring Democrat ay nakalabas na sa pagamutan dahil sa pagkakasakit.