Nakatakdang magpatupad ng reporma at malawakang balasahan sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).
Ito ang kinumpirma ni bagong DPWH Secretary Vince Dizon sa harap ng mga kontratista na naaprubahan ng PCAB kahit kwestionable ang katayuan o status.
Kasama aniya sa posibleng baguhin ay ang mga requirement ng PCAB bago mag apruba ng kontratista.
Ang PCAB ay isang attached agency na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry na nangangasiwa sa lahat ng contractors, sub contractors, at specialty contractors sa bansa.
Ayon kay Dizon pareho ang utos ni Pangulong Marcos sa kanilang dalawa ni DTI Secretary Maria Cristina Roque na ayusin ang sistema ng PCAB matapos ibunyag ni Senator Ping lacson ang pagkakasangkot dimano ng pcab sa maanomalyang flood control projects.
Siniguro ni Dizon kailangan na talagang makapaglatag ng long term structural safety nets para hindi na maulit ang mga ganitong malalaking pangyayari o kontrobersiya at anomalya sa dpwh.
Dagdag pa ng Kalihim na iko-konsidera nilang gawin ay ang perpetual disqualification ng lisensiya ng mga contractor kapag napatunayang sangkot ito sa maanomalyang proyekto ng gobyerno.