Nasa bansang Jamaica ngayon si US Secretary of State Antony Blinken para sa pakikipagpulong sa mga Caribbean leaders sa Jamaica.
Ang hakbang ay bahagi ng pagsusulong ng kapayapaan sa patuloy na nagaganap na kaguluhan sa Haiti.
Kabilang sa dadalo si U.S. Assistant Secretary for Western Hemisphere Affairs Brian Nichols kung sinabi nito na mahalaga na magtulungan ang international community para sa mga Haitians.
Nagsimula ang pag-atake ng mga armadong grupo sa Haiti noong Pebrero 29 kung saan sinunog nila ang mga police stations at isinara ang pangunahing international airport.
Nilusob nila ang mga dalawang pinakamalaking kulungan at pinalaya ang mahigit 4,000 na inmates.
Nanawagan ang grupo na magbitiw sa puwesto si Prime Minister Ariel Henry o pumayag na lamang ng transitional council.
Nasa Kenya ang Prime Minister noong naganap ang pag-atake para dumalo sa pagtitipon ng United Nations at hindi na ito nakabalik sa bansa kaya dumiretso ito sa Puerto Rico.
Dahil sa kaguluhan ay inilikas na ng US at ibang mga bansa ang kanilang embassy staff.