Muling nanawagan ang Estados Unidos sa China na sumunod sa international law, tigilan ang kanilang “provocative behavior”, at respetuhin ang karapatan ng lahat ng bansa.
Ang panawagan ay ginawa ni U.S. Department of State Secretary Antony Blinken sa kanyang mensahe sa ika-limang anibersayo ng Arbitral Ruling patungkol sa West Philippine Sea na inilabas ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 12, 2016.
Ayon kay Sec Blinken, base sa Ruling, ang pag-aangkin ng China sa malaking bahagi ng West Philippine Sea ay aalang basehan sa International Maritime Law.
At wala ring karapatan ang China sa bahagi ng karagatan na tinukoy na parte ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Pero patuloy parin aniya ang China sa pag-intimidate at pag-coerce sa mga bansa sa Southeast Asia sa paligid ng West Phl Sea, na banta sa freedom of Navigation sa naturang karagatan.
Muling siniguro ni Sec. Blinken ang commitment ng Estados Unidos na ipagtanggol ang Pilipinas sa ang anumang pag-atake sa Philippine armed forces, public vessels, o aircraft sa West Phl Sea sa ilalim ng Article IV ng 1951 U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty.
Samantala, hindi naman naglabas ng pahayag ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa paggunita ng anibersaryo ng Arbitral Ruling anniversary.