Reading Time: 1 minute
Cardi B
Cardi B/ IG post

Hindi na itinuloy ng US rapper Cardi B ang kaniyang concert sa Indianapolis dahil sa banta ng seguridad.

Nilinaw naman ng Indianapolis police na walang banta silang natatanggap.

Nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa naging alegasyon ng US rapper.

Sa kaniyang social media account, nagpost ang 26-anyos na rapper na humihingi ng paumanhin sa kaniyang mga fans dahil sa pagkansela ng kaniyang concert.

Ikinadismaya naman ng mga fans ang nasabing pagkansela ng concert ng rapper.