Asap Rocky2 1
ASAP Rocky /IG Post

Pansamantalang pinayagang makalaya ng korte sa Sweden ang US rapper na si ASAP Rocky.

Ang 30-anyos na si Rakim Mayers sa tunay na buhay ay makakalaya hanggang sa muling pagdinig ng kaso nito sa Agosto 14.

Kasama ang dalawang iba ay naghain sila ng guilty plea matapos ang pang-aatake sa 19-anyos na lalaki sa Stockholm noong Hunyo.

Depensa ng rapper at kasamahan nitong sina Bladimir Corniel at David Rispers na pinagtanggol lamang nila ang kanilang sarili.

Hindi naman ito pinaniwalaan ng korte at may inilabas silang ebidensiya gaya ng kuha sa mga CCTV at video footage.

Magugunitang nananawagan ang ilang mga singers kay US President Donald Trump na kung maaari ay tulungang makalaya ang nasabing singer.