-- Advertisements --

Binati ni US President Joe Biden si acting NASA administrator Steve Jurczyk kasama ang libu-libong mga tauhan nito kaugnay sa matagumpay na misyon na paglapag sa planetang Mars.

Tinawag ni Biden na “historic” ang paglapag ng Perseverance Rover sa Red Planet.

Ipinagmalaki naman ng mission deputy project manager na si Matt Wallace, ang good news kung saan nag-landing ang spacecraft na nasa mabuting kalagayan base sa nakuhang larawan nito.

MARS ROVER PERSEVERANCE

Laking tuwa ng mga engineer at NASA’s mission control ng California nang makumpirma na lumapag na nga ang Perseverance Rover.

Mananatili ang six-wheeled vehicle sa planetang Mars sa loob ng dalawang taon kung saan sisimulan nito ang paghahanap ng mga ebidensiya ng ancient life at mango-ngolekta din ito ng mga bato at lupa para sa karagdagang mga pag-aaral.

Una nang sinabi ni acting NASA administrator Jurczyk na ang Mars 2020 Perseverance mission ay sumailalim sa diwa ng bansa na magtiyaga sa kabil ng mga hamon sa sitwasyon, nagbibigay ito ng inspirasyon, at pagsulong ng agham at exploration.

Ang mismong misyon umano ang nagpakilala sa “human ideal” na magtiyaga patungo sa hinaharap at tutulong sa kanila na na maghanda para sa gagawing “human exploaration sa Red Planet sa taong 2030. (with report from Bombo Jane Buna)