-- Advertisements --
Planong bumili ang US ng 100,000 round ng mga bala mula sa South Korea para ibigay sa Ukraine.
Ang nasabing hakbang aniya ay bilang bahagi ng pinaigting na pagtulong ng US sa Ukraine para tuluyang mapalayas ang Russia.
Bilang bahagi ng kasunduan ay bibili ang US ng 100,000 rounds ng 155 mm howitzer ammunitions.
Umaabot na sa halos 1-milyon na ng mga 155 mm ammo ang naipadala ng US sa Ukraine sa siyama na buwang paglusob ng Russia.
Sa bawat araw kasi ay nagpapakawala ang Ukraine ng hanggang 7,000 rounds ng artillery ammunition habang ang Russia ay nagpapakawala ng 20,000 kada araw.