-- Advertisements --
carrie lam
Hong Kong Chief Executive Carrie Lam

Pinatawan ng sanctions ng US Treasury si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam at 10 iba pang mga matataas na opisyal ng Hong Kong at mainland China.

Sinabi ni US Treasury Steven Mnuchin, layon ng nasabing sanctions ay ang mga nasa likod ng pagpapahina ng otonomiya ng Hong Kong.

Ipinaggitgitan ng US na suportado nila ang mamamayan ng Hong Kong.

Kabilang sa nakapaloob sa sanctions ay ang matutukoy na mga ari-arian, mga interes nina Lam, maging ang ibang pag-aari na merong “directly or indirectly, 50 percent or more by them” na nasa Estados Unidos ay dapat umanong kumpiskahin at haharangin.

“Today’s actions send a clear message that the Hong Kong authorities’ actions are unacceptable and in contravention of the (People’s Republic of China)’s commitments under ‘one country, two systems’ and the Sino-British Joint Declaration, a UN-registered treaty,” ani Secretary of State Mike Pompeo sa isang statement.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa ilang linggo matapos na ipatupad ng China ang kontrobersyal na national security law sa Hong Kong.

Binabatikos ito ng mga kritiko at nag-ugat pa sa maraming madugong kilos protesta dahil sa isa raw itong banta sa kanilang kalayaan.