-- Advertisements --

Pinayuhan ng US government ang kanilang mga mamamayan na nasa Ukraine lumikas agad.

Kasunod ito sa pangambang panibagong pag-atake ng Russia sa mga sibilyan at imprastruktura kasabay ng Independence day ng Ukraine.

Ayon sa US Embassy in Ukraine na dapat umalis na agad ang mga mamamayan nila dahil tumaas muli ang tensiyon.

Una ng nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na pinaghahandaan nila ang matinding pag-atake ng Russia.

maaring isabay aniya ang atake sa pagdiriwang ng kanilang ika-31 taon na pagiging malaya m ulasa Soviet Union.

Tiniyak naman ni Zelensky na sila ay gaganti agad sakaling maglunsad ng panibagong missile attack ang Russia sa kanila.