-- Advertisements --
tulsa1

Nasa bansa ngayon ang Littoral combat ship ng US Navy ang USS Tulsa para sa isang regular port call.


Dumating ang nasabing US Navy vessel nuong February 24,2022, matapos bigyan ng diplomatic clearance ng Department of Foreign Affiars (DFA).

Kasalukuyang sumasailalim sa replenishment at maintenance ang USS Tulsa.

Magugunita na nuong February 22,2022, nakipagpulong si US Navy 7th Fleet, Vice Admiral Karl Thomas kay Philippine Navy Flag-Officer-in-Command VADm. Adelius Bordado.

Ang pagbisita ni VAdm. Thomas ay patunay na lalo pang pinalakas ang partnership at kooperasyon ng dalawang navies.
Kapwa binigyang-diin nina Thomas at Bordado ang “free and open Indo-Pacific region.”

Agad naman aalis ng bansa ang USS Tulsa sa sandaling matapos at makumpleto ang isinasagawang ship replenishment at maintenance.