-- Advertisements --

Naniniwala naman ang US na may magandang pag-usad ang panibagong pag-uusap para sa permanenteng ceasefire sa Gaza.

Ayon kay US National Security Advisor Jake Sullivan , na nagkaroon ng magandang pag-uusap sa tulong ng Qatar at Egypt upang mapapayag ang Israel na tigilan ang atake sa Gaza.

Tiwala nito na sa paglatag ng mga kondisyon ay tuluyan ng mapapayag nila ang magkabilang panig na isulong ang ceasefire.

Una rito ay hindi tumitigil ang US, Qatar at Egypt na isulong ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Hamas at Israel.

Nagpahayag naman ang Hamas ng kagustuhan ng pagsulong ng permanenteng ceasefire.

Kasunod ito naging sulat mula sa 18 world powers na dapat ay magkaroon na ng permanenteng ceasefire at pagpapalaya sa mga bihag ng magkabilang panig.

Ayon sa Hamas na bukas sila sa nasabing plano at handa silang tumugon sa nasabing usapin.

Magugunitang maraming mga bansa kasama na ang United Nations at European Union na tuluyan ng itigil ang nasabing kaguluhan sa lugar.