-- Advertisements --

Nagsagawa ang US ng panibagong air drop sa northern Gaza.

Ayon sa US Central Command, nasa 20 bundles ang lumapag sa gilid ng karagatan.

Lulan ng C-130 US Air Force aircraft ang nasabing mga pagkain.

Mayroong kabuuang 50,689 na US meals ang inihulog nila sa Northern Gaza.

Magugunitang kasama ng US at ilang mga bansa ang nagsagawa ng paghulog na mga pagkain at ilang tulong sa Gaza matapos na isara ng Israel ang mga border na daanan ng mga truck na may dalang tulong.