-- Advertisements --

Magpapatupad ng bagong travel restrictions ang US sa India dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Nakasaad sa restrictions na pagbabawalan ang mga non-US citizens na pumasok sa Estados Unidos.

Ang nasabing travel restrictions ay base mismo sa naging abiso ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Magiging epektibo ang travel restrictions sa India sa darating na Mayo 4.

Magugunitang noong Enero ay nagpatupad ng travel ban si US President Joe Biden sa mga bansa gaya ng Brazil, United Kingdom, Ireland at 26 na iba pa sa Europe dahil sa pagtaas ng kaso ng bagong variant ng COVID-19.