-- Advertisements --
Binalaan ng US State Department ang kanilang mamamayan na iwasan muna ang pagtungo sa ilang mga bansa na nagtala ng matataas na kaso ng COVID-19.
Mayroong 34 sa kabuuang 200 mga bansa ang inilagay ng US sa “Do Not Travel” advisory.
Paliwanag ng US State Department na sumangguni muna sila sa Centers for Disease Control and Prevention bago magpalabas ng travel advisories.
Nasa level four ang ban sa Mexico, level three ang travel ban sa UK, habang level two naman ang Antartica at level one ang New Zealand, Macau at Taiwan.
















