-- Advertisements --
Mas pinaigting pa ng US ang kanilang air strikes sa mga pasilidad sa Syria na ginagamit umano ng mga Iranian revolutionary guard.
Ayon kay US Secretary of Defense Lloyd Austin, na ang nasabing strikes ay bilang kasagutan sa patuloy na pag-atake sa mga US bases sa Iraq at Syria ng mga Iran-backed fighters.
Umabot na sa walong pro-Iran fighter ang nasawi na.
Ito na rin ang pangatlong pagkakataon mula noong Oktubre 26 ng magsagawa ng air-strikes ang US sa Syria.
Dagdag pa ni Austin na ang kanilang tinamaan ay mga training facility at safe houses ng mga Iranian revolutionary guard.
Sinasamantala umano kasi ng mga Iran-backed fighters ang nagaganap na kaguluhan sa Israel at Hamas at sinasabayan nila ang pag-atake sa mga bases ng US.