Ibinunyag ng US military ang delikadong paglapit ng Chinese fighter jets sa kanilang US Air Force B-52 bomber habang sila ay nasa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa US Indo-Pacific Command na nasa 10 talampakan lamang ang layo ng eroplano ng China sa kanilang eroplano.
Labis aniya itong delikado at isang unprofessional na pag-uugali na ipinakita ng Chinese pilot.
Naglabas naman ng video ang Chinese Defense Ministry na ang USS Ralph Johnson ay nagsagawa ng close-in harrasment sa kanilang Chines navy na nagsasagawa ng routine training sa West Philippine Sea noon pang Agosto.
Ang nasabing insidente na nangyari nitong Martes ay nangyari bago ang pagbisita ni Chinese Foreign Minister Wan Yi sa White House kung saan makakapulong nito si US President Joe Biden.
Inaasahan rin na sa susunod na buwan ay magkita rin sina Biden at Chinese President Xi Jinping sa sideline ng APEC Summit sa San Francisco.