-- Advertisements --
Binisita ni US ambassador to Russia ang nakakulong na US Journalist na si Evan Gershkovich.
Ayon kay Lynne Tracy, na maayos ang kalusugan ng 31-anyos na journalist ng bisitahin nito sa kaniyang piitan sa Russia.
Naaresto ang Wall Street Journalist noong Marso 29 kung saan inakusahan siya ng pang-iispiya.
Mariing pinabulaanan naman nito ang nasabing alegasyon sa kaniya.
Maaring makulong siya ng hanggang 20 taon sakaling mapatunayan ng korte na guilty ito sa pagpapakalat ng mga sensitibong dokumento.