-- Advertisements --
Desidido ang Japan, US at South Korea na gumawa ng hakbang para mapigilan ang paggamit ng North Korea ng nuclear weapons.
Kasunod ito sa patuloy na ginagawang missile test ng North Korea noong nakaraang mga linggo.
Nagpulong kasi sa Cambodia ng dumalo sa ASEAN Summit sina U.S. President Joe Biden, South Korean President Yoon Suk Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Nagkaisa ang mga ito na magkakaroong three-way cooperations para mapigilan ang North Korea.
Pinangangambahan kasi nila na may mga nuclear weapons na ang North Korea base na rin sa mga ipinapakitang missile test nito.
Nagkasundo rin ang mga bansa na palakasin ang mga kanilang security alliance.