-- Advertisements --

Ititigil muna ng US ang pagbibigay ng mga armas at missiles sa Israel.

Ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin, ang hakbang ay para hindi gamitin ng Israel sa military operation nito sa Rafah City sa Gaza kung saan maraming sibilyan ang madadamay.

Giit nito na hindi naman masama ang adhikain ng Israel na ipagtanggol ang sariling bansa huwag lamang madamay ang mga sibilyan.

Malinaw aniya na kontra ang US sa anumang pag-atake ng Israel sa Rafah sa pangamba na maraming mga sibilyan ang madadamay.

Mula pa noong nakarang Linggo ay inihinto ng US ang pagdeliver ng nasa 1,800 na bomba na nagtitimbang ng 2,000 pounds at 1,700 na bomba rin na tumitimbang ng 500 pounds.