-- Advertisements --
Inaprubahan ng US Food and Drug Administration ang bakuna laban sa chikungunya virus.
Ang nasabing bakuna ay siyang kauna-unahan sa buong mundo dahil sa global health threat ng nasabing mosquito-borne disease.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang lagnat pananakit sa mga kalamnan na siyang napadelikado sa mga bata.
Dahil sa pag-apruba na ito ng FDA ay mapapabilis na ang paggawa ng bakuna sa buong mundo.
Ang bakuna na tinawag na Ixchiq ay maari lamang gamitin ng mga edad 18 pataas na siyang may mataas na panganib na mahawaan ng nasabing virus.
Magugunitang nitong taon lamang ay mayroong natialang mahigit 44,000 na kaso ng chikungunya kabilang ang pagkasawi ng 350 katao na naiulat noon pang Setyembre.