-- Advertisements --

Nakarating na sa Taiwan si US House Speaker Nancy Pelosi.

Ito ay kahit na may banta ang China na sila ay gaganti kapag itinuloy ang biyahe.

Itinuturing na ito ang unang pagbisita ng US House speaker sa Taiwan matapos ang 25 taon.

Sinabi ng isang opisyal ng Taiwan na mananatili ng magdamag si Pelosi.

Ayon naman kay Pelosi na magkakaroon ito ng pagpupulong sa ilang opisyal ng Taiwan para pagtibayin ang pagsasama ng dalawang bansa.

Ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan ay hindi nakalista sa itinerary nito sa pagbisita sa Asya subalit ang pagdaan nito ay ilang linggo ng tinalakay ng mga US officials.

Magugunitang nagbanta ang China na magkakaroon ng negatibong impact ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan at dapat na irespeto ng US ang One-China Policy.

Nangangamba kasi ang China na baka maimpluwensiyahan ng US ang Taiwan.