-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US Secretary of State Antony Blinken na kanila ng isasara ang US Embassy sa Kyiv, Ukraine dahil sa patuloy na pagdami ng puwersa ng Russian forces sa border ng nasabing bansa.

Dagdag pa nito na pansamantalang ililipat naman ang maliit na bilang ng mga diplomatic personnel sa Lviv City sa nasabing bansa.

Ang hakbang aniya ay para na rin sa kaligtasan ng kanilang staff.

Patuloy din aniya ang pakiusap niya sa mga mamamyan nilag na sa Ukraine na agad na lisanin ang bansa.

Patuloy din aniyang bukas ang diplomasya kung seryoso at tapat ang Russia sa nasabing usapin.

Magugunitang makailang beses ng itinanggi ng Russia na kanilang lulusubin ang Ukraine.