-- Advertisements --

Binalaan ng US ang Iran na huwag gatungan pa ang kaguluhan sa gitnang silangan.

Kasunod ito sa banta ng foreign minister ng Iran na magkakaroon ng hindi makontrol na kaguluhan sa Middle East kapag hindi tumigil ang Israel sa kanilang military actions laban sa Hamas.

Sinabi naman ni US Secretary of States Antony Blinken na ikinakabahala nila ang maaring pagtaas ng tensiyon pa lalo na sa mga pahayag ng Iran.
Nababahala din ito sa mga pag-atake rin sa mga US citizens.

Una na ring binalaan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Hezbollah isang pinakamalakas na military force sa Lebanon dahil sa pagsisimula ulit ng tensiyon sa kanila.

Samanatala tiniyak naman ng United Nations na tuloy-tuloy ang pagdating ng mga tulong para sa mga sibilyan na naiipit sa kaguluhan sa Gaza.

Mula ng mabuksan ang Rafah crossing sa Egypt border ng Gaza ay nakapili na ang mga truck na may kargang mga pagkain para sa mga sibilyang naiipit sa kaguluhan.