-- Advertisements --

Patuloy na iniimbestigahan ng Pentagon ang suspected Chinese high-altitude surveillance ballon na nasa kontinente ng US.

Ayon kay Pentagon spokesman Brig. Gen. Patrick Ryder, ilang araw na nilang binabantayan ito na nasa northern US.

Gumagalaw aniya ito sa ibabaw ng mga commercial air traffic at walang anumang military o physical threat sa mga tao.

Pinayuhan na rin nila si US President Joe Biden na hindi nila dapat ito pabagsakin dahil magdudulot ng panganib ang mga debris na babagsak.

Kasing laki ito ng tatlong buses kung saan naniniwala ang US na ang Chinese spy satellits sa low Earth orbit ay maaaring magbigay ng sapat na intelligence.

Inabisuhan na ng US ang Chinese government sa pamamagitan ng kanilang Chinese embassy sa Washington ganun din ang diplomatic mission sa China ukol sa natuklasang spy balloon.