Itinayo ng Philippine Army at US Army ang isang multi-purpose Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) warehouse sa Itbayat, Batanes.
Unang sinimulan ang naturang proyekto noong May 11, 2024 bilang bahagi ng Civic Assistance activities sa ilalim ng “Salaknib” 2024 Joint exercise ng Philippine at US Army.
Sa pagtatayo ng naturang warehouse, nagkasama dito ang mga sundalo ng US at mga miyembro ng 513th Engineer Construction Battalion ng 51st Engineer Brigade ng Philippine Army.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ang naturang warehouse ay susuporta sa kapabilidad ng mga lokal na pamahalaan na gumugon sa mga kalamidad.
Magsisilbi itong imbakan aniya ng mga supplies, at iba pang mga kagamitan para sa mga disaster at relief operations.
Ipinasakamay naman ito sa lokal na pamahalaan ng naturang probinsya.