-- Advertisements --

Handa ng simulan ng US ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine booster shots sa susunod na linggo.

Ayon sa White House na hinihintay na lamang nila ang kanilang health regulators na aprubahan ang nasabing plano.

Nitong Agosto ay sinabi ni US President Joe Biden na isasagawa ang pagtuturok ng booster shots sa Setyembre 20 para mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang Delta variant.

Ayon kay White House coronavirus response coordinator Jeff Zients na makailang beses na silang nakipagpulong sa mga governors at mga community health centers para sa nasabing pagpapabakuna.

Nauna ng sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi nila muna nirerekomenda ang booster shots dahil marami pang mga bansa ang hindi pa nakakapagbakuna ng malaking populasyon nila.